Tuesday, January 29, 2008

Patalastas

Mukhang nagkaproblema ang unang blogspot natin. Gumawa ako ng bago. Bigay ko na lang ang email add at password sa klase para makapag-post na kayo. Okidok?

Sir Rommel

Sunday, January 27, 2008

Sa Wakas, Ito ang Simula

Narito na ang ating munting espasyo para kahit papaano'y makapagsulat tayo ng samu't saring mga pananaw sa iba't ibang usapin at isyung kinasasangkutan natin bilang mga iskolar ng bayan.Malaya ang espasyong ito para sa lahat ng mga mag-aaral sa Malikhaing Pagsulat 10 (11:30-1:00 at 1:00-2:30). Kapag magsusulat ng mga komento o magpo-post ng anumang mga akda (malikhain man ito o hindi, basta dapat may katuturan, kung pwede lang naman) mangyaring ilagay ang inyong pangalan.Walang kinalaman ang blog na ito sa inyong magiging grado sa klase. Ang pangunahing layunin nito'y makapagbasa tayo ng sulatin sa mga paksang nais nating ilatag, sa loob o labas man ito ng akademya.Teka-teka, bakit ang pormal ko?Basta sulat na!Rak en rol! Sir Rommel