Sa nga yon may i-po-post akong dagli....
Agaw Tingin
Mario Carlo M. Severo
Nahuli mo ang aking paningin. Sa iyong tingin, tila nais mon akong dalhin sa kakaibang byahe ng ligaya. Bumogay ako. Unti-unti kong hinayaang mamangha ang aking mata sa iyong katawan. Dahan-dahan nitong hinubad ang saplot mong two-piece hanggang mailantad ang iyong laman. Bumuluga sa akin ang mala-dyosang alindog. Nagsimula nang maglaro ang aking utak. Pinagpapawisan at nag-iinit. Sumisidhi ang aking pagnanasa. Naninigas at nanggagalaiti. Anong saya ang nakamit! Anong sarap ang nalasap! Anong langit ang nadama!
At tumambad ang nakasisilaw na liwanag. Kasabay ng pagkakahuli sa ningning, nawala ka sa paningin. Nawala ang saya. Nawala ang sarap. Nawala ang langit. Nabingi sa lakas ng busina. Muntikan nang mahagip. Nagising ang utak. Hayun ka, isang pantasyang katawan na bumabandera sa lansangan.