Wow! Naalala ko pa ang tamang password ng ating blog. Kaso nga lang, may nagbubukas pa nga ba nito? May nagbabasa pa nga ba?
Hay, sayang naman. Maganda sana kung napanatili ang pag-po-post ng mga akda dito kahit na natapos na (at maraming araw na ang nagdaan) ang isang semestreng samahan. Sayang talaga. Magandang paraan rin sana (sa pamamagitan ng blog na ito) ang pagpapalitan ng mga opinyon at karanasan, lalo't pa patuloy ang pagtakbo ng oras at pag-ukit ng kasaysayan- maraming kaganapan sa ating paligid ang nakaaapekto sa atin - gumigimbal, gumugulat, nagpapagalit, nagpapatawa, nagpapasaya at kung anu-ano pa. Maganda sanang namnamin ang bawat opinyon at kuro-kuro ng bawat isa, lalo na sa malikhaing paraan ng pagpapahayag - pagsusulat.
Ewan ko nga ba kung bakit ko sinasabi ang mga ganitong bagay! Masaya naman ako sa araw na ito. Ngarag nga lang sa kabundok na gawain. Kabi-kabila ang pagsusulit at eksamen. Sabay-sabay ang pag-uulat. Patung-patong ang mga reading materials. Ngunit, akalain mong nakapagsusulat pa ako dito...hahaha. Masaya lang talaga ata ako ngayon (sa aking personal na buhay). Subalit, kung tatanungin mo ako ng aking nararamdaman ukol sa mga nangyayari sa bansa at sa mundo, kabaliktaran ang aking nadarama!
Maraming sana ang nasa utak ko ngayon. Mga sana na hindi ko alam kung matutupad o mangyayari pa. Marahil sa takdang panahon. O kaya sa hindi tiyak na kinabukasan. Pero sa ngayon, mananatili silang sana pagkat mag-isa lamang ako - isang ahente sa isang panlipunang istruktura. Ang mga sanang ito ay ang kabaliktaran ng mga istruktural na mga suliranin ng paligid. Mga sana lamang ito pagkat wala akong kakayahan (mag-isa) na isakatuparan ang mga ito.
Ano ang mga sana? Ewan ko kung bakit nahihirapan akong ipahayag ang mga ideyang ito. Ayoko namang manatili lamang sila na mga produkto ng aking isip. Sa kabilang dako, mahirap magsalita. Mahirap talaga ang mag-isa sa isang kapaligirang balot ng kadiliman, kasakiman at kaguluhan. Yun lamang ang masasabi ko sa ngayon. Ano naman ang layunin ko sa "pagsasabi ng mga sanang hindi masabi?" Nagpaparamdam lamang. Naghahanap ng karamay, sa sinumang makapagsasabi ng mga hinaing 'di ko maisiwalat. Nang sa gayon, hindi na ako mag-isang ahente. Ang mga sanang ito ay magkakaroon ng porma, anyo, at istruktura - pamalit sa nangingibabaw na istruktura. Ang mga sanang ito ay hindi na lamang ideya. Panibagong buhay na ideolohiya ang isisilang sa pamamagitan ng maraming ahente na naniniwala sa sanang ito.
Sana. Sana. Sana...
Mario Carlo M. Severo

No comments:
Post a Comment