Monday, March 24, 2008

Hay! Kainis! Ang tagal gumawa ng blog para sa geog...ang tagal mag-up load ng pictures. Hay, kelan ko kaya ito matatapos? Deadline pa naman ngayong araw....
Habang naghihintay sa matagal na pag-up load, heto at gagawa muna ako ng aking tula...

Sa Lilim ng Shed

Malakas na ulan
Tila nais na hilamusan
Ang lumuluhang mukha
Ng ika'y makita
Na may kasamang iba.

Tinatanong ko tuloy,
Kung bakit ko pang minarapat
Na ika'y pagmasdan,
Na huwag munang lumisan;
Hindi sana nananaghoy
Ang pusong magtatapat.

Ngayon, hindi ko na alam
Kung ano pa ang pakiramdam,
Masakit pala ang magmahal
Lalo na kung hindi pa nabibigkas.

(mariocarlosevero)

2 comments:

rommel rodriguez said...

alam mo, dapat mag-shift ka na sa department namin. bakit di ka magmalikhaing pagsulat?

iskoatiska said...

Gusto ko rin sana sir kaso ayaw ng parents ko. E ano nga ba ang aking magagawa kung sila ang tumutustos ng aking pag-aaral. Mag-aaral na lang po siguro ulit ako pag kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. Sa ngayon, susundin ko muna ang kanilang ibig. Di bale sir, kukuha pa rin ako ng MP para sa Elective ko...

Salamat sir! Marami akong natutunan sa MP10 class natin.