Monday, February 25, 2008

Sulyap. Masid. Titig.

Hay, sa unang pagkakataon, nakapag-post ako ng akda. Hindi talaga kasi ako nag-po-post sa blog eh. Wala kasi akong oras para gawin ito. Kaya naman nalulugod ako dahil nagawa ko ito.

Hindi kagandahan ang aking tula. Pero may nais iparating. Alay ito kay ______________ . Sa hindi malamang kadahilanan, ginugol ko ang aking oras upang i-type ito. Hindi malinaw sa akin kung ano nga ba ang aking layunin sa pagsulat nito. Batid ko lamang na alay ko ito para kay __________, ngunit hindi ko naman kilala. Nakikita ko s'ya, yun lang ang aking alam. Basta kayo na lang bahala humusga. Kung magugustahan n'yo salamat. Kung hindi naman ay salamat na rin. At least, pinag-aksayahan n'yo ng panahon upang basahin.


Sulyap, Masid, Titig

Naaaninag na
mukha
Ng makapangyarihang
mata
Salat sa
pagkilala
Estrangherong
mahiwaga.
Hindi batid ang
pagkakakilanlan
Hindi alam ang
ngalan
Nasasalat lamang ang
kabuuan
Nakikita at
nailalarawan.
Ewan ko nga
ba
Ba't mistulang
tanga
Kinukutya na't
pinupuna
Ng mga aninong
kilala
Basta, sa bawat
pagsulyap
Sa mga masid at
pagtitig
Larawan mo'y
ginuguhit
Sa diwa at
isip
Wala ng halaga
pa
Sabihin ng
iba
Ang tangi kong
inaalala
Lihim kang
sinisinta.

(mariocarlosevero)

2 comments:

iskoatiska said...

Nagustuhan ko yung line-cutting mo... Ganda, madaling maisip yung imagery... Sino nga pala yun?XD

Arjean Banting

iskoatiska said...

Salamat! Eh, ang problema ay hindi ko siya kilala...