Tuesday, February 12, 2008

Kung bakit mahirap magsimula

Hay. Ano bang kabaliwan ang pumasok sa isip ko at nagpost ako dito? Sa totoo lang, di naman ako blog person. Kahit pa mahilig akong magsulat, hirap akong magpanatili ng mga tinatawag na journal o anupaman. Nakakatamad kasi. Mas masarap magkwento na lang, yung tipong word of mouth, kahit pa mas bet nga ang magsulat kung minsan. [nawawala na ang aking katinuan dahil may nag-aayang mag-fair ngayon] Woohoo. Wala na kong masabi. Sana lang magamit nang husto ang espasiyong ito sa pagsusulat ng [hindi?] makabuluhang mga bagay. Huwag kayong tumulad sa akin na pinapagana ang nagmamaliw na daloy ng kamalayan... Baka mabaliw ang mga magbabasa, kayo rin. Ikaw, hindi ka pa ba nababaliw? Kailan mo matatantong walang sense ang sinasabi ng mga katagang itong nakapagkit sa iyong computer screen?

So, ayun na nga. Masarap magsulat, kahit minsan nakakadugo ng utak.

Pasensiya na. Drained ako ngayon at aaminin kong bangag pa ako. Four hours na tulog, sh**! Kainis! At maingay pa ang fair kagabi [o kaninang madaling-araw] habang nakatitig ako sa monitor at nag-iisip kung paano isasalba ang lathalaing apat na araw na mula nang masimulan ay wala pa ring nararating.

Hay.

Huling masasabi ko, malungkot ako ngayon. Hindi lang halata. Kung bakit ako malungkot? Malapit ninyo nang malaman.

---mmc

No comments: