Ayan dahil mukha walng gusto mgsimula...ako na lng...kapal ng mukha..hindi naman...hehe...sigurado naman ako mas maganda naman yung pinagagagawa niyo...makapal lang talaga mukha ko...
______________________________________________________________________
Kring!Kring! Ano kamo?
Mga sinasabi daw pagpinasok sa isang tenga wag ng palabasin sa kabila. Naku! Eh di ang sama ko pala. Lahat naman kasi ng sinasabi sa akin pasok dito labas dun. Anong magagawa ko ganun talaga ako. Kasalanan naman ng kumakausap sa akin. Dapat hindi ako yung sisihin. Kung wala namang sinabi sa akin wala akong mailalabas. Kung tutuusin hindi ko nga naalala yung mga sinasabi sa akin depende na lang kung may recorder na nakadugtong sa akin. Minsan hindi ko alam kung alam ng kausap ko na may ganito akong instrumento. Kasi may nangyari nuon. Hindi pala alam ng kausap ko na may ganitong instrumento na ikinabit sa akin. Tuloy, lahat ng pinagsasabi niya napaalam sa buong bansa at sa buong mundo na rin. Pinirata kasi. Oh diba kala mo kung sinong recording artist. Pero grabeng pangyayari iyon buti na lang hindi ako yung sinisi pero sayang hindi tuloy ako sumikat hindi tuloy alam kung anong pangalan o itsura ko. Siguro naisip na din nung nakausap ko na yun na buti na lang bulag ako, kasi kung hindi naku masisigurado na siya nagsabi nun. Ohy! Di ko naman sinsabi na siya talaga nagsabi. Malay ko, sabi ko naman sa inyo na wala akong natatandaan. Yun nga lang mga narecord pero puro salita lang yun kaya posibleng hindi din siya kahit pa sinasabi na boses niya iyon at nagsorry pa siya tungkol dun. Wala na masyadong balita tungkol dun. Minsan nababanggit at nababalita pero bibihira. Yung sorry statement niya yun pa mas napapagusapan. Hindi sa kaakibat nitong isyung panglipunan kung hindi sa kaakibat nitong pampasaya. Oo kaya, grabe parang gamit na gamit yung mga linyang iyon nasabi nga sa akin na lagging ganun naririnig at nababasa niyang jokes. Hay, naku bakit ba kasi yan sinasabi sa akin ng kausap ko masyadong masakit sa ulo. Nahawa na sa tatay niyang mahilig sa pulitika na pagkausap ako hindi mawawala ang usaping iyon. Nagsisimula sa problema sa anak tapos sa pamilya mismo. Hindi rin mawawala yung tungkol sa pera na siyempre isisisi sa ekonomiya at yan politika na ang sunod. Naku, puro problema yata. Ganun din ang nanay niya puro din problema. Parang ganun din anak, pamilya, pera, ekonomiya at pulitika pero siyempre may showbiz na pasingit-singit kung mapagusapan. Nakakatawa, kasi ganung ganun din itong kausap ko. Isko daw kasi siya kaya dapat nakikialam siya sa nangyayari sa lipunan para daw alam niya kung ano magagawa niya. Oh! diba ayos. Sana nga ganun, pero bakit ganun madalas ang simula ng pag-uusap namin “may assignment ba?” Aba, malay ko diba. Naku, gusto niyang makatulong sa bansa sarili niya di niya matulungan. Hay naku! Ang sakit na ng tenga ko. Minsan kasi dami daming sinasabi wala namang laman. Hanggang dito na lang kwento ko yun lang kasi naalala ko kasi yun lang nairecord. Buti na lang nairecord kung hindi wala akong makukwento sabi ko naman sayo pasok sa isang tenga labas sa kabila ang ugali ko.
“Kriiiiiiing! Kriiiiiiiing!” ang sabi ko. “Hello?” ang sabi sa akin. Hay naku ito nanaman kekerengkeng!
Isinulat ni: Luzsil Ledesma ;p
No comments:
Post a Comment